Isang barko ang sumadsad sa isang bahura sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Looc, Romblon ngayong hapon dahil sa malalakas na alon dulot ng bagyong Dante.
Ayon kay Neil Fopalan, Municipal Disaster and Risk Reduction Management Officer ng bayan ng Looc, nag-anunsyo ng ‘abandon ship’ ang kapitan ng LCT Ocean I kaya sila nagpadala ng rescue.
Aabot sa 21 crew ang kanilang nailigtas mula sa nabahurang barko.
Galing Manila ang barko at patungo sana ng Davao at may kargang mga truck.
Ang mga nailigtas na crew ay kasalukuyang naka-isolate sa Covered Court ng Barangay Buenavista para doon muna mamalagi habang hindi pa nakakaalis.