Ikokonsidera na ng San Agustin Rural Health Unit na positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang mga magpopositibo sa rapid antigen test, simula ngayong linggo.
Ayon sa San Agustin Rural Health Unit, kasunod ito ng pagpapatupad ng kautusang ito mula sa Department of Health na napapaloob sa Memorandum 2021-0169.
Samantala, ang mag lalabas na negatibo sa antigen test ay kailangan sumalang sa RT-PCR testing upang makumpirma na negatibo ang mga ito.
Ang mga close contacts ng mga magpopositibo sa antigen test ay papayuhang mag quarantine ng labinapat na araw.
Kung sila ay magkaroon ng sintomas anumang araw sa panahon ng quarantine ay sila ay ililipat sa isolation facility at irerekomenda na ipa-test.
Ngayong Martes, May 25, dalawa na ang nagpositibo sa Rapid Antigen Test (RAgT) at sila ay agad na kinonsidera na bilang Confirmed Covid19 ng bayan.