Magkakaroon na ng supply ng tubig ang ilang residente ng Sitio Upper sa Barangay Dapawan sa bayan ng Odiongan, Romblon sa tulong ng itatayong Water System Facility sa lugar.
Dumalo sa ground breaking ceremony na isinagawa nitong Linggo ng umaga si Romblon rep. Eleandro Madrona, kasama ang ilang opisyal ng Provincial Gov’t ng Romblon, Department of Public Works and Highways, at mga opisyal ng munisipyo ng Odiongan at Barangay Dapawan.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng opisina ng kinatawan ng Romblon sa kongreso bilang tulong sa mga residente sa nabanggit na Sitio.