Mahigit sa 20 na violators ng local ordinances at national law ang na naticketan ng mga operatiba ng PNP Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), at Odiongan Municipal Police Station nitong umaga ng Miyerkules, December 2.
Ito ay sa isinagawa nilang Oplan: Lambat Bitag Sasakyan sa bayan ng Odiongan.
Ang nasabing operasyon ay para masiguro na ang lahat ng sasakyan na bumabiyahe sa mga national road sa probinsya ng Romblon ay rehistrado at hindi mga nakaw.
Samantala, dalawang motorsiklo naman ang na-impound dahil sa walang maipakitang papeles ang mga may gamit rito.
Ayon kay Police Chief Master Sergeant Dindo Rivas ng HPG, regular itong ginagawa ng kanilang ahensya para na rin umano sa kaligtasan ng lahat.