Patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers at ng Philippine Coast Guard ang isang mangingisda na nawala sa gitna ng dagat na sakop ng Sibuyan Island, Romblon.
Ayon sa otoridad, pumalaot ang magkapatid na Jordan at Allan Mercurio, nitong madaling araw ng November 30, para mangisda ngunit hindi na nakabalik ng lupa matapos masiraan at hampasin ng malalakas na alon.
Hating gabi ng December 1 ng makita si Allan na nasa baybayin na ng Brgy Cambijang, Cajidiocan, Romblon habang ang kapatid niyang si Jordan ay patuloy na pinaghahanap.
Ayon kay Allan, pinili niyang lumangoy papunta sa baybayin habang ang kanyang kapatid ay naiwan sa gitna ng dagat.
Nanawagan naman ang pamilya Mercurio sa publiko na kung sakaling makita si Jordan ay agad makipag-ugnayan sa otoridad.
Huling nakitang suot ni Jordan ay itim na tshirt, at pajama.