Isang walang buhay na lalaki ang nalambat ng mga mangingisda sa Barangay Batiano sa bayan ng Odiongan, Romblon pasado alas-8:30 ng umaga, Biyernes, November 6.
Kinilala ang lalaki na si Josue Dalisay, mangingisda at residente rin ng nabanggit na Barangay.
Ayon sa mga kamag-anak ni Dalisay, huli umano itong nakita sa isang inuman kagabi at posibleng dumiretso sa gilid ng fishport nang ito ay malasing kung saan siya madalas na natutulog. Posible umanong nahulog ito habang mataas ang tubig dahilan ng kanyang pagkakalunod.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Odiongan Municipal Police Station kaugnay sa nangyari.