Isang lalaki sa bayan ng Alcantara ang bigla nalang tinaga ng nakaalitan niya sa text message nitong umaga ng Biyernes.
Kinilala ang biktima na si Joel Briones Calvo, 41, habang ang suspek naman ay kinilalang si Mark Roy Galicia Daet, 29.
Ayon sa police report ng Alcantara Municipal Police Station, si Calvo at nasa isang waiting shed sa Barangay Poblacion kasama ang katrabaho nang biglang umano itong tagain sa likod gamit ng karit ng suspek na si Daet.
Agad namang nakatakbo ang biktima ngunit ang humabol na suspek ay nadapa dahilan upang maaresto siya ng pulis na nasa lugar nang mangyari ang krimen.
Dinala naman agad sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital ang biktima habang ang suspek ay kinulong sa Alcantara Municipal Police Station para sampahan ng kaukulang kaso.
Sa pagiimbestiga ng kapulisan, bago pa ang krimen, nagkaroon na ng alitan ang dalawa sa text.