Isa nanamang locally stranded individual (LSI) na umuwi ng probinsya ng Romblon ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Naitala ang panibagong kaso ng lalawigan sa bayan ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon ngayong Biyernes, November 20.
Ayon sa Rural Health Unit (RHU) ng San Fernando, ang nasabing LSI ay dumating sa bayan noong November 11 sakay ng barko ng Navios Shipping Lines, Inc..
Nagkaroon ito ng sintomas at nagpositibo sa rapid test dahilan upang siya ay idaan sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT -PCR) o swab test.
Dagdag ng RHU, ang nasabing LSI ay naka-isolate na sa isang quarantine facility simula pa ng ito ay dumating sa probinsya.
Siya na ang ika-45 kaso ng Covid-19 ng lalawigan ng Romblon.