Dalawang locally stranded individual (LSI) na close-contact ng isang LSI na nagpositibo sa Covid-19 sa bayan ng San Fernando ang tinamaan rin ng virus matapos silang mahawa.
Ayon sa San Fernando Rural Health Unit, ang dalawa ay kasabay na dumating sa San Fernando ng nabanggit na LSI noong November 11 sakay ng barko ng Navios Shipping Lines, Inc.
Sila ay itinuring ng Department of Health na imported case dahil nakuha ang virus sa labas ng bayan.
Ang dalawa ay kasalukuyang naka-isolate na sa isang isolation facility sa Cantinggas, Barangay Taclobo kasama ng iba pang nagpositibo sa virus.
Sa kasalukuyan, sila ay asymptomatic o walang ipinapakitang simtomas ng nabanggit na virus.
Dahil dito, umakyat na sa 6 ang aktibong kaso ng Covid-19 ng bayan.