Dalawang tubo ng tubig ng Odiongan Water District ang naputol sa Barangay Rizal kaninang umaga dahilan upang mawalan ng supply ng tubig ang mga consumers nito.
ADVERTISEMENT
Ayon sa mensahe na kanilang pinadala sa Romblon News Network, naputol ang 6-inches at 8-inches diameter pipe na dinadaluyan ng tubig patungong bayan.
Nagsasagawa na rin umano ng pagsasaayos sa nasirang tubo ang mga tauhan ng Odiongan Water District para maibalik agad-agad ang supply ng tubig.