Kinilala kamakailan ang Magdiwang Municipal Police Station bilang best police station sa buong rehiyon ng Mimaropa.
Tinanggap ang pagkilala ni Police Captain Chisi Faderagao, acting Chief of Police ng station, at Bb. Marivic Gacura, acting NAPOLCOM Provincial Officve sa Romblon, sa ginanap na virtual ceremony na pinangunahan ng National Police Commission Office Mimaropa.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-26 National Crime Prevention Week ngayong taon.
Nakatanggap ang station ng parangal at cash prize na nagkakahalaga ng sampong libong peso (P10,000) na gagamitin ng estasyon sa kanilang mga proyekto.