Matapos mabigo sa pag-ibig, isang 41 anyos na lalaki sa Barangay Poblacion sa bayan ng Alcantara, Romblon ang nagsaksak sa sarili at nagtangkang magpakamatay nitong gabi ng October 14.
Ayon sa Alcantara Municipal Police Station, nakatanggap umano sila ng sumbong mula sa kapatid ng biktima na di umano ay may alarming behavior na ginagawa ang kapatid kaya sila nagsumbong sa otoridad.
Pagpunta ng pulisya sa bahay na kung saan ang biktima, nakita nila itong nakahubad, duguan, at may saksak sa sarili. Katabi ng biktima ang ginamit niyang bread knife na may habang 9.5 inches.
Agad naman nilang tinulungan ang biktima at agad na dinala sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Looc, Romblon kung saan siya ngayon ginagamot.