Arestado sa magkahiwalay na operasyon sa dalawang bayan sa Tablas Island, Romblon ang dalawang wanted person kabilang na ang number six most wanted person ng bayan ng Santa Fe.
Kinilala ang naaresto sa Santa Fe na si Emmanuel Gallos Gajarion, 30, kung saan wanted dahil sa kasong illegal possession of firearm.
Ayon sa Municipal Circuit Trial Court – Looc, P60,000 ang maaring ipiyansa ng suspek para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Samantala, kasong Grave Coercion naman ang kaso ng senior citizen mula Odiongan na si Maria Montoya, 62, ang dahilan ng kanyang pagkakaresto.
Maari ring makalaya si Montoya kung magbabayad ng kaukulang piyansa.
Nakakulong na ngayon ang dalawang nabanggit na mga suspek sa police station sa kanilang lugar.