Suspendido parin hanggang November 30 ang biyahe ng Cebu Pacific mula Tablas Island, Romblon patungong Ninoy Aquino International Airport at pabalik dahil sa epekto ng pandemic ng Covid-19 (coronavirus disease 2019).
Ito ang inanunsyo ng management ng Cebu Pacific sa pamamagitan ng text message sa Romblon News Network nitong Lunes ng umaga, October 12.
Matatandaang ika-15 ng Hulyo nang itigil ng Cebu Pacific ang kanilang flights sa Tablas Island matapos mabawasan ang mga pasahero na bumabiyahe dahil sa travel restriction na ipinatutupad ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa probinsya.