Inaresto ng mga tauhan ng San Andres Municipal Police Station kamakalawa, October 13, ang isang binata dahil sa kasong statutory rape.
Ang suspek na kinilalang si Marvin Sagun, 19, residente ng Barangay Linawan, San Andres, Romblon ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 82.
October 12 nang lumabas ang warrant of arrest ng suspek dahil sa kasong statutory rape.
Hindi nag rekomenda ng piyansa ang korte para sa kalayaan ng suspek.
Nakakulong na ito ngayon sa San Andres Municipal Police Station at inaasahang dadalhin sa Odiongan para iharap sa korte.