Pormal ng naiturn-over noong Lunes sa San Agustin Municipal Police Station ang bago nitong gusali na ipinagawa ng Philippine National Police.
Ang bagong gusali na hinango sa national standard ng PNP ay inaasahang magpapalakas sa morale ng mga kapulisan sa San Agustin at magiging senyales ng isang bayang umuulad.
Dinaluhan ang nasabing seremonya ni Police BGen. Nelson Bondoc, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office Mimaropa, Police Col. Christopher Abecia, Provincial Director, at nina Congressman Eleandro Madrona at Governor Jose Riano.
Sa mensahe ni Governor Riano sa ginanap na seremonya, nagpasalamat ito sa PNP sa pagpapanatili na insurgency-free ang probinsya at pagpapanatili itong drug-cleared.
Buo umano ang suporta ng Provincial Gov’t ng Romblon sa Philippine National Police sa lahat ng programa nito at kampanya.