Sugatan ang isang mag-anak sa Odiongan, Romblon matapos silang salpukin ng isang motorsiklo nitong hapon ng Huwebes.
Sa cctv footage na kuha ng Munisipyo ng Odiongan, makikita ang hindi pa nakikilalang rider na binabaybay ang national road ngunit pagdating nito sa kanto ng JP Rizal St., biglang bumulaga sa kanya ang isang motorsiklo na sakay ang tatlong mag-anak.
Nasalpok ng rider ang motorsiklo ng tatlong mag-anak at dahilan upang sumemplang ang mag-anak sa kalsada.
Kita sa cctv footage na nagsitinginan ang iba pang motorista matapos marinig ang kalabog ng salpukan.
Samantala, ang nakaaksidenteng rider, hindi huminto at nagpaharurot ng motorsiklo patakas sa lugar.