Nagtulungan ang LANDBANK Countryside Development Foundation, Inc. at ang Romblon State University (RSU) para sa tatlong (3) araw na Financial Literacy Training para sa ilang magsasaka, mangingisda, at mga farm laborers sa mga bayan ng Ferrol at San Andres sa Tablas Island, Romblon.
Ikinasa ang Financial Literacy Training noong ika-9 ng Setyembre hanggang 11, kung saan 6 na grupo ng mga trainees ang kanilang natulungan.
Layunin ng training na mas mapalago ang ideya ng mga nabanggit na sektor pagdating sa paggamit ng tama sa kanilang mga pera.
Tinuruan rin sila na magkaroon ng savings sa bangko, at kung paano mag-invest sa mga negosyo para sa posibleng karagdagang kita at pinansyal na suporta para sa kanila.