Nagtamo ng sugat sa leeg ang isang lalaki sa bayan ng Looc, Romblon matapos itong laslasin ng asawa ng di umano’y kalaguyo nito kahapon ng hapon sa Barangay Guinhaya-an.
Batay sa ulat ng Looc Municipal Police Station, pumipili ng kanta sa isang videoke machine ang biktimang si Gualberto Oreta, nang bigla itong sugurin ng suspek na kinilalang si Hanero Lachica Saturnino, at biglang nilaslas ang leeg.
Agad namang tumakas ang suspek matapos ang krimen habang ang biktimang si Oreta ay isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital para agad na magamot.
Sa ngayon, patuloy itong nagpapagaling sa ospital.
Samantala, nagpapatuloy naman ang isinasagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Looc Municipal Police Station laban sa tumakas na suspek.
ERRATUM: Ang pangalan po ng suspek ay si Hanero Lachica Saturnino, at hindi po si Rosemarie Santiago, siya po ay ang kapatid ng biktima at nagsumbong sa pulisya sa krimen.