Patay ang driver ng isang cement mixer matapos maaksidente ang minamaneho niyang sasakyan sa bahagi ng national road sa Brgy. Mat-i, Sta. Fe, Romblon.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol ang driver ng sasakyan sa minamaneho niyang cement mixer dahilan upang tumagilid ito at maipit ang driver bago pa ito makatalon ng sasakyan.
Wala namang ibang nadamay sa nasabing aksidente.
Ang nasabing cement mixer ay pagmamay-ari ng isang construction firm na naka-base sa Tablas Island.
Patuloy na iniimbestigahan ng Santa Fe Municipal Police Station ang naganap na aksidente.
Paalala ng pulisya sa publiko lalo na sa mga nagmamaneho ng malalaking sasakyan na maging marahan sa pagmamaneho at maging maingat lalo na sa mga pakurbang mga daanan.