Nagtamo ng sugat sa paa ang isang binatang umaawat lang sa away matapos itong masaksak ng tari sa Barangay. Dulangan, Magdiwang, Romblon nitong hapon ng Linggo.
Kinilala ang biktima na si Gerald Ropero Rocero, 18-anyos, habang ang suspek ay si Berning Mago, 49 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang suspek na si Mago ay pauwi na ng madaan ito sa bahay nina Rocero at dito niya nasalubong ang ama ng biktima na matagal na niya palang kaalitan.
Nagkasagutan nag dalawa hanggang sa magkasuntukan. Dito na lumapit si Gerald para sana umawat ngunit walang anu-anoy bumunod ng tari ang suspek at nasaksak sa binata.
Agad na isinugod sa Magdiwang Rural Health Clinic ang biktima at kalaunan ay inilipat sa Sibuyan District Hospital para doon gamutin.
Samantala, ang suspek ay naaresto matapos ang ikinasang follow up operation laban rito.
Nakakulong na ngayon ito at mahaharap sa kasong Frustrated Homicide.