Dalawa pang locally stranded individual (LSI) na umuwi naman sa bayan ng San Andres ang nagpositibo rin sa Covid-19, ayon sa anunsyo ngayong hapon ng San Andres Rural Health Unit.
Ang dalawang LSI ay sumailalim sa real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test noong ika-27 ng Agosto matapos magpositibo sa rapid testing noong ika-26 ng Agosto.
Sila ay dumating sa Tablas Island sakay ng Montenegro Lines noong August 26.
Ang dalawa ay kasalukuyang nasa isang isolation facility sa bayan at hindi naman umano nagpapakita ng mga sintomas na mag kaugnayan sa Covid-19.
Naisagawa na rin umano ang contact tracing noong ika-26 ng Agosto at wala naman umanong naitalang close contact ang dalawa.
Sila na ang ika-tatlo at ika-apat na pasyente ng bayan na nagpositibo sa nasabing virus.