Dumating na kanina madaling araw sa Magdiwang, Romblon ang labi ni Private First Class Jhon Paulo Federico na nasawi sa bakbakan ng 81st Infantry Battalion at ng mga miyembro ng New People’s Army noong Biyernes, July 31 sa Barangay Dili, Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Sinalubong ang labi ni PFC Federico ng mga kasamahan nito sa Philippine Army, Philippine National Police at Philippine Coast Guard.
Binigyang pugay rin si Federico ng mga kasamahan nito dahil sa ipinamalas na tapang at pagiging makabayan.
Ayon sa mga ulat, si PFC Federico ay namatay mula sa sa pagsabog ng isang landmine na nagresulta rin sa pagkasugat ng 3 pa nitong mga kasama.