Natanggap na ng Provincial Government ng Romblon noong katapusan ng buwan ng Hulyo ang bagong Nissan na sasakyan, na bigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office upang magamit ng Romblon District Hospital (RDH) bilang kanilang Patient Transport Vehicle o ambulansya.
Ito ang inanunsyo ni Governor Jose Riano sa kanyang facebook post noong Linggo, August 02.
Lubos na nagpapasalamat ang Provincial Government ng Romblon sa pamumuno ni Governor Riano sa PCSO dahil napakalaking tulong ang magagawa nito para sa mga Romblomanon lalo na ngayong panahon ng pandemya ng Covid 19.
Inaasahang dadalhin ngayong linggo ang sasakyan sa Batangas upang isakay ng barko patungong Romblon.