Tiklo ang isang babaeng negosyante sa Brgy. Gutivan, Cajidiocan, Romblon matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station at Criminal Investigation and Detection Group na nagbebenta ng mga gasulinang nakalagay sa bote.
Ang suspek ay kinilalang si Helen Rabino Rivero, 38-anyos.
Naaktuhan umanong ang suspek ay nagbebenta ng sixteen (16) liters ng unleaded na gasulina na nakalagay sa coca-cola bottles, at three (3) liters na premium gasuline na nakalagay rin sa kaparehong bote.
May ilang galon rin na nakita ang mga tauhan ng pulisya, at ilnag funnels.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1865.