Patay na ng matagpuan sa dagat ang isang lalaki sa bayan ng San Agustin, Romblon na nagpaalam lamang na mangingisda kaya pumunta sa dagat.
Kinilala ang biktima na si Randy Espinoza Sarzona, 48, residente ng Sitio Can Umiang, Brgy. Cagbo-aya, San Agustin, Romblon.
Ayon sa police report, si Sarzona ay nagpaalam bandang alas-7 ng umaga na mangingisda sa dagat sa kanilang sitio ngunit alas-6:30 na ay hindi parin ito bumabalik.
Dito na nagpasya ang pamilya ni Sarzona na hanapin ito, at bandang 8:30 ng gabi ay natagpuan nila ang katawan ng biktima na nakalubog sa tubig.
Posible umano itong nagka-leg cramps habang nangingisda hanggang sa malunod, base sa pahayag ng pamangkin ng biktima dahil madalas umano itong nagkakaroon ng leg cramps kapag nangingisda.
Humiling na ng post mortem examination ang pulisya sa Rural Health Unit ng San Agustin para matukoy ang kinamatay ni Sarzona.
Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.