Arestado sa isang anti-illegal drug buy-bust operation kahapon ang isang high value target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Romblon sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Kinilala ng otoridad ang suspek na si Aldren Moreno Soriano, alyas Vanie, 31 anyos.
Ikinasa ang operasyon laban sa suspek sa Poblacion kung saan nabilhan umano ang suspek ng isang plastic na may lamang pinaghihinalaang shabu sa haalgang P500 buy-bust money.
Matapos magkaabutan, agad na inaresto ng otoridad ang suspek.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Wala itong pahayag.