Pormal ng umupo bilang bagong provincial director ng Romblon Police Provincial Office si Police Col. Christopher Abecia, kapalit ni Police Col. Arvin Molina matapos ang halos dalawang taong pananatili sa Romblon.
Ginanap ang turn-over ceremony noong ika-17 ng Hulyo sa Hinirang Hall, Camp Efigenio C Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro.
Noong Lunes, pormal ng nag courtesy call si Col. Abecia kay Governor Jose Riano at sa iba pang mga opisyal ng lalawigan.
Si Abecia ay isang Batangueno at miyembro ng PNPA Class 1994- Class “SANDIGAN”.
Siya ay dating hepe ng Regional Logistics Research and Development Division sa Police Regional Office Mimaropa.