Hindi na mahihirapan pa ang mga residente ng Sibale Island, Romblon sa pag-transport ng kanilang mga pasyente sa isla ng Tablas o di kaya ay Pinamalayan, Oriental Mindoro matapos pagkalooban ng Provincial Government ng Romblon sa pangunguna ni Governor Jose Riano ng isang rescue boat ang lokal na pamahalaan ng Concepcion, Romblon nitong unang araw ng Hulyo.
Ang nasabing rescue boat ay magagamit rin ng lokal na pamahalaan lalo na tuwing may trahedya sa dagat.
Maliban sa mabilis na bangka, ang nasabing rescue boat ay may laman ring mga makabagong kagamitan kagaya ng GPS navigator, at mga two-way radio.
Mismong si Governor Riano ang nanguna sa turn-over ceremony, kasama si Congressman Eleandro Madrona.
Maliban sa pagturn-over ng nasabing rescue boat, ang dalawang pinuno ng probinsya ay nasa isla ng Sibale kahapon upang obserbahan rin ang isinagawang examination ng mga estudyante sa isla nag nag-apply bilang schoolar ng provincial government.