Arestado sa pinagsamang pwersa ng CIDG-Romblon at iba pang tauhan ng PNP ang apat na iligal na minero sa bayan ng Magdiwang, Romblon nitong Miyerkules ng hapon.
Sa ulat ng Magdiwang Municipal Police Statio na kasama rin sa operasyon, ang apat ay naaktuhang humuhukay at nagpoproseso ng mga bato at lupa gamit ang bullmill sa Sitio Pisi Barangay Ipil, Magdiwang, Romblon bandang alas-3 y medya ng hapon kanina.
Ang mga suspek ay pawang mga residente ng bayan ng Magdiwang.
Ang mga nasabing suspek ay nakakulong na ngayon sa Magdiwang Municipal Police Station at mahaharap sa kaukulang kaso.
Wala silang pahayag.