Buong araw na nagpaulan sa lalawigan ng Romblon ang low pressure area na malapit sa Luzon.
Dahil sa walang tigil na ulan, ilang pagtaas ng tubig ang naranasan sa ilang bahagi ng Odiongan.
May naranasan ring landslide at rockfall sa bahagi ng Tablas Island Cirmcumferrential Road sa bayan ng Calatrava.
Nakunan ito ng litratio ni Jonielyn Diola kung saan kita ang mga malalaking bato na dumaosdus patungo sa kalsada.
Agad namang dumating ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways para linisin ang mga nagkalat na bato.
Wala namang naiulat na nasaktan sa mga nabanggit na insidente.