Timbog sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga otoridad noong umaga ng Sabado, July 25, sa Barangay San Roque, Alcantara, Romblon.
Ang nasabing operasyon ay ikinasa ng Provincial Intelligence Branch, Alcantara Municipal Police Station, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Romblon.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office na pinadala sa Romblon News Network, nabilhan di umano ng mga operatiba ng gobyerno ang suspek na si Jealuzpe David, 40, sa halagang P500.
Maliban sa di umano’y shabu, nakunan rin umano ang suspek ng apat na piraso ng aluminum foil, at isang maliit na box.
Kasalukuyang nakakulong na ang suspek sa Alcantara Municipal Police Station habang inihahanda ang isasampa sa kanyang kaso.
Mahaharap si David sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.