Inihalal ngayong hapon ng Board of Regents ng Romblon State University bilang bagong pangulo ng pamantasan si Dr. Merian Mani, kasalukuyang presidente ng Marinduque State College (MSC).
Kinumpirma ito sa Romblon News Network ni Board Secretary John Rufon.
ADVERTISEMENT
Aniya, naganap ang botohan matapos ang virtual meeting ng BOD ngayong araw.
Si Dr. Merian Mani ay tubong Romblon at dati ng naging empleyado ng RSU bago pa man maging presidente ng MSC.