Nag negatibo sa Covid-19 ang mga swab samples ng dalawang suspected Covid-19 patients sa Romblon Provincial Hospital (RPH) na namatay kamakailan, ito ang inanunsyo ngayong gabi ng pamunuan ng RPH sa pamamagitan ng isang facebook post.
“Magandang balita po sa lahat, dahil ang dalawa po naming namatay na mga suspected COVID 19 na mga pasyente ay puro negatibo po sa swab test,” bahagi ng anunsyo.
Ayon sa source, ang dalawang pasyente na namatay ay nagmula sa Barangay Tabobo-an sa Odiongan at sa isla ng Carabao Island na dinala sa RPH matapos magkasakit.
Nagpasalamat rin ang pamunuan ng RPH sa mga nagdasal para sa magandang resulta ng mga test at mga dasal para sa mga Covid-19 patients naka-admit sa kanilang Isolation Area.