Nauwi sa suntukan at kalaunay pananaksak ang naging pagtatalo ng dalawang taong mag-bayaw noong gabi ng June 1 sa Barangay Pandan, Santa Fe, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng Santa Fe Municipal Police Station, bandang alas-6 ng gabi ng ng umuwi ang suspek na si Dennis Fillarca, 36, galing sa isang inuman at pagdating nito sa kanilang bahay ay nakaalitan ang kanyang bayaw na si Rustico Tamayo, 37.
Ang kanilang pagtatalo ay nauwi sa suntukan hanggang sa kumuha ng kawayan ang biktima habang swiss knife naman ang sa suspek.
Habang nagkakaroon ng gulo, nasaksak ng suspek ang kamay ng biktima.
Agad naman silang naawat ng mga rumespondeng barangay officials at kanilang mga kamag-anak.
Dinala sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa Looc, Romblon ang biktima para gamutin ang natamong sugat habang ang suspek ay dinala sa presinto kung saan siya ikinulong.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay rito.