Sa kabila ng hiling ng iba't ibang grupo kay Romblon Congressman Eleandro Madrona na bawiin ang kanyang botong ‘Yes' sa pagkakapasa ng Anti-Terrorism Bill sa kamara, nanindigan itong hindi niya ito gagawin at sinabing pag binawi niya ang ‘Yes' vote niya ay nangunguhulugan lang na hindi niya alam ang kanyang ginawa noong nag botohan.
“I studied the bill prior to voting and voted accordingly because this is the best weapon we will have to deter the dreaded terrorists acts planned against malls and other public places by extremists,” pahayag ng Congressman sa text message nito sa Romblon News Network nitong Lunes.
Dagdag ng kongresista na kapag nabasa umano ng kompleto ng mga tumututol sa nasabing panukala ang mga stringent safeguard provisions ay makakasiguro sila rito na maayos ang intensyo ng panukala.
Sinabi rin ni Congressman Madrona na bumuto siya ng ‘Yes' para mabigyan ng protection ang mga Pilipino laban sa mga masasamang gawain ng mga terorista katulad nalang sa nangyari umano sa 9/11 US attack, at katulad sa nangyari noon sa isang simbahan sa Mindanao kung saan isang Romblomanong Coast Guard ang nasawi.
“The fears that this will be used against dissenters, not terrorists, is clearly spelled out in the Declaration of Policy, whence the subsequent provisions emanated from,” paniniguro nito.
Matatandaang naipasa ang nasabing panukala sa third reading matapos bumuto ang 173 na mambabatas kasama si Congressman Madrona ng ‘Yes' laban sa 31 na nag-oppose at 29 naman na hindi bumoto.
































