Balik operasyon na ngayong araw ang biyahe ng eroplano ng CebGo patungong Tablas Island, Romblon galing Ninoy Aquino International Airport, Metro Manila, ito ay ayon sa opisyal na anunsyo ng Cebu Pacific.
Ayon sa Cebu Pacific, mula June 10 hanggang June 30 ay magkakaroon na sila ng biyahe sa ilang airports sa bansa kabilang ang airport sa Tablas.
Kinumpirma rin ito sa Romblon News Network nitong Miyerkules ng Civil Aviation Authority of the Philippines – Romblon.
Pinayuhan naman ng Cebu Pacific ang mga pasahero nila na kumuha ng mga requirements na inilatag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para sa mga locally stranded individuals, returning overseas Filipino, at mga Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Makipag-ugnayan rin sa lokal na pamahalaan kung saan sila uuwi para malaman rin ng pasahero ang mga local guidelines rin na inilatag sa kanilang mga bayan.


































