Isang establisyemento sa bayan ng Alcantara, Romblon ang isinara ng mga kawani ng Bureau of Internal Revenue – Romblon sa pangunguna ni Revenue District Office 35 – Romblon head Benjamin Cruz Jr, Assistant Revenue District Officer Edgardo Holman at Revenue Officer Noel De Castro.
Ang nasabing establisyemento ay isinara noong Biyernes, matapos lumabag umano sa Value Added Tax Laws.
Bahagi ito ng programang Oplan Kandado ng ahensya.
Nilagyan nila ng kandado ang opisina ng nasabing gusali at hindi papayagang mag-operate hangga't hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Paalala ng Bureau of Internal Revenue – Romblon sa mga business owners, magbayad ng tamang buwis upang maiwasan ang mga penalidad katulad nito.


































