Nag negatibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19 ang 23 katao sa probinsya ng Romblon na nagkaroon ng reaction sa antibody rapid testing na isinagawa noong nakaraang linggo, ayon sa ulat na inilabas ngayong Miyerkules ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).
Batay sa kanilang datus, ang 23 na nagnegatibo sa opisyal Covid-19 test o Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ay binubuo ng anim na locally stranded individuals, limang health care workers, isang returning overseas filipino, at eleven na construction workers.
Dagdag ng PESU, ang mga nabanggit ay nagmula sa mga bayan ng San Fernando, Cajidiocan, Magdiwang, San Jose, Santa Fe, Santa Maria at Odiongan.