Dumating na rin nitong hapon ng Miyerkules, May 27, ang unang batch ng mga locally stranded individuals (LSI) na nakauwi ng lalawigan ng Romblon makalipas ang mahigit dalawang buwang pagpapatupad ng community quarantine sa probinsya.
Ang mga nasabing indibidwal ay mula Oriental Mindoro at dumating ng Odiongan sakay ng barko ng Starlite Ferries.
Tatlo (3) sa mga ito ang Locally Stranded Individuals (LSIs) at apat (4) naman ang Authorized Person Outside Resident (APOR), ayon sa Odiongan Public Information Office.
Agad silang sinuri para masigurong walang sintomas ng coronavirus disease 2019 o Covid-19, at batay sa protocol sila ay dadaan sa rapid testing.
































