Pinaghuhuli ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang walong lalaking naabutan nila na nasa labas ng kanilang bahay sa kabila ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Ang mga nahuli ay walang mga dalang home quarantine pass.
Dalawa sa mga nahuli ay nasermunan pa ni Police Captain Manuel Fernandez Jr., hepe ng Odiongan Municipal Police Station, dahil naabutan ito ng mga pulis na naglalaro ng skateboard sa public plaza.
Agad naman silang pinasundo sa mga opisyal ng barangay kung saan sila nakatira. Pinagbigyan muna ang mga hinuli ngunit inilista ang kanilang mga pangalan para pag muling mahuli ay kakasuhan na ng mga otoridad.
Sa ngayon, wala pa namang naitatalang kaso ng covid-19 sa buong probinsya.