Isang evacuation center ang itinatayo ngayon sa Barangay Dubduban sa San Agustin, Romblon na pwedeng magamit ng mga taga-rito kung sakaling may sakuna na kailanganing ilikas ang mga residente.
ADVERTISEMENT
Binisita ito nitong nakaraang araw ni San Agustin Mayor Denon Madrona para kamustahin at tingnan ng personal ang ginagawang konstraksyon.
Halos malapit na matapos ang nasabing evacuation center na halos kasing laki ng dalawang silid aralan.