Pahirapan ang pagtawid ng mga estudyante ng España National High School at España Elementary School sa isang ilog nitong hapon ng Huwebes matapos masira mula ang detour na ginawa ng Department of Public Works and Highways pansamantalang pamalit sa ginagawang tulay sa lugar.
Bandang alas-3 ng hapon ng masira ang nasabing detour dahil sa malakas na agos ng tubig.
Ilang estudyante ang kinailangan pang maglublob ng katawan para lang makauwi sa kanilang bahay dahil walang ibang madaanan. Ang iba naman nag tiis na magbayad ng P10 para lang para makasakay sa bangka.
Ang ilang sasakyan nga nag tatawid, pinagtulungang buhatin ng mga residente para hindi mabasa.
Matagal ng inirereklamo ng mga residente ng San Fernando, Romblon ang nasabing detour dahil lagi umano itong nasisira ng malakas na agos lalo na kung may malakas na buhos ng ulan.
P\ahirapan ang pagtawid ng mga estudyante ng España National High School at España Elementary School sa isang ilog dahil sa sirang detour na ginagawa ng Department of Public Works and Hihways.
Bandang alas-3 kaninang hapon ng masira ang nasabing detour dahil sa malakas na agos ng ilog.
Pahirapan tuloy ang mga estudyante sa pagtawid na kinailangang pag maglublob ng katawan para lang makauwi sa kanilang bahay dahil walang ibang madaanan. Ang iba naman nag tiis na magbayad ng P10 para lang para makasakay sa bangka.
Ang ilang sasakyan nga nag tatawid, pinagtulungang buhatin ng mga residente para hindi mabasa.
Delikado ang nasabing lugar dahil sa malakas na agos ng ilog, isang pagkakamaling apak lang kasi pwede kang tangayin palayo.
Matagal ng inirereklamo ng mga residente ng San Fernando, Romblon ang nasabing detour dahil lagi umano itong nasisira ng malakas na agos.
Ipinatawag na ng LGU San Fernando ang DWPH at ang kontraktor ng isang tulay sa nasabing lugar na dapat daanan ng mga tao dahil sa halos 3 taon na ay hindi parin ito nagagawa.
Sinira ang nasabing tulay noong 2016 para tayuan ng bago ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagagawa.