Nagbukas ngayong Sabado ang opisina ng Land Transportation Office sa Odiongan, Romblon para asikasuhin ang mga motorista na mabigyan ng kani-kanilang mga licensed card.
Sa advisory ng Land Transportation Office ngayong araw, sinabi nilang bukas sila para sa mga kukuha ng 5-year validity licensed card.
Aabot naman sa halos 60 katao ang kanilang maasikaso ngayong araw dahil ito palang ang numero ng tao na nabigyan nila ng cue card.
Ilang buwan rin na na-pending ang pag-release ng mga cards dahil sa kakulangan ng supply ng gamit sa Odiongan, Romblon.