{googleads center}
Bumili Kamakailan ng ang lokal na pamahalaan ng San Agustin ng dalawang bagong sasakyan para magamit sa mga proyektong pang-imprastraktura at bilang dagdag na kahandaan sa panahon ng kalamidad.
Ang mga bagong behikulo ay dump truck at backhoe na magagamit sa mga konstruksiyon na ipinatatayo ng pamahalaang bayan at magagamit rin sa pagkolekta ng basura sa mga kabayanan.
Ayon sa tagapagsalita ni Mayor Esteban Santiago F. Madrona, ang mini dump truck ay gagamitin ng lokal na pamahalaan sa paghahakot ng mga materyales sa mga on-going projects at magagamit rin ito sa paghahakot ng basura sa buong poblasyon.
Ang mini backhoe naman ay magagamit sa paghuhukay ng lupa at pangbuhat ng mga mabibigat na debris kapag may sakunang dumating sa kanilang bayan.
Ayon kay Mario Mancuyas, municipal information officer ng naturang bayan, ang pagkakaroon ng bagong mga sasakyan ay makakatulong ng malaki kapag gagawing rescue operation sa panahon ng kalamidad gaya ng lindol, baha, bagyo, sunog o iba pang di inaasahang sakuna.