Dinagsa ng maraming tao ang ginanap na Marian Healing Mass sa Grotto De Banloc sa Sitio Anggutan, Poblacion, Looc, Romblon nitong Sabado, February 11, 2017.
Ang ilan sa mga pumunta, galing pa sa ilang bayan at bumisita pa sa bayan ng Looc para lang sa Marian Healing Mass.
Ikinatuwa naman ng ilang mga netizens ang pagkakaroon ng bagong pasyalan sa bayan ng Looc sa Tablas Island.
ADVERTISEMENT
Dagdag atraksyon nanaman umano ito sa munisipyo maliban sa nakatayo ng mga resorts at Looc Bay Refuge and Marine Sanctuary.