Aabot sa 6 ang sugatan kasama ang isang pamilya matapos na masangkot sa motorcycle accident bandang 6:30 ng gabi, kagabi sa Barangay Anahao, Odiongan, Romblon.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, tinatahak umano ng pamilya ni Juwie Fradejas, 28, dala ang kanya side car, ang kahabaan ng National Road sakay ang kanyang asawa at tatlong anak nang biglang salpukin sila sa lilod ng isang kulang asul na motorsiklo.
Tumilapon ang pamilya ni Fradejas sa kalsada na naging dahilan ng kanilang minor injuries sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Kinilala ang kasama ni Fradejas na sina Laila Marce, 30 at ang kanyang tatlong anak na sina Mark, Ivan, Alexa.
Mabilis umano ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Rassy Fadriquela, 26, at nakainum rin at maaring dahilan kung bakit hindi napansin na may motorsiklo sa harapan kaya nasalpok nito ang tricycle ni Fradejas.
Agad na dinala ng rescue team ng Odiongan Local Governmen ang anim sa Romblon Provincial Hospital para ipagamot.
Sa lakas rin ng pagkakasalpok, nawasak ang harapan ng motorsiklo ni Fadrequela habang ang tricycle naman ni Fradejas naman ay tumilapon sa palayan.
Napag alaman ng Odiongan PNP na parehong nasa impluwensya ng alak ang dalawa; ganun na rin ay wala silang dalang lisensya. Ligtas na ngayon ang anim at nagpapagaling sa Romblon Provincial Hospital.