Lima katao ang sugatan matapos masangkot sa vehicular accident sa Barangay Rizal sa bayan ng Odiongan, Romblonn nitong hapon ng Linggo, February 05.
Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, binabaybay umano ng motorsiklong minamaneho ni Rodel Felia, 46-years old, residente ng Barangay Progreso Este ng nabanggit na bayan ang national road patungo sanang town proper sakay ang tatlong backride nito ng biglang salpukin ng kasalubong na motorsiklo.
Nag-overtake umano ang rider na si Anthony Galangera, 21-years old, residente naman ng Barangay Rizal sa nasa unahan niyang motorsiklo at hindi napansin na kasalubong pala ang sasakyan ni Felia kaya niya ito nasalpok.
Batay sa spot report ng Odiongan Municipal Police Station, pinaghihinalaang nakainum si Galangera ng oras na iyon.
Agad namang naisugod sa Romblon Provincial Hospital ang tatlong backride ni Felia at ang isang rider na si Galangera matapos magtamo ng head injury habang si Galangera naman ay nagtamo lamang ng minor injury sa katawan.
Ligtas na rin ang lagay ngayon ng mga nasangkot sa aksidente at nagkasundo na rin.