Sugatan ang isang Huwes sa Municipal Trial Court ng Odiongan, Romblon matapos na maakaidente habang nasa biyahe patungong bayan ng San Agustin, Romblon kahapon ng madaling araw.
Habang nagmamaneho sa National Highway sa Brgy. Libertad, Odiongan si Judge Cirile Foja ng MCTC Odiongan-Ferrol, Romblon ay nakaidlip umano siya sa sasakyan kaya sumalpok sa barrier sa gilid ng kalsada ang kanyang sasakyan na naging dahilan ng pagkawasak ng harapang bahagi nito.
Nagtamo lang naman ng galos ang huwes ngunit isinugod parin siya sa Romblon Provincial Hospital upang tingnan ang kanyang lagay.
Ayon kay Judge Foja, wala pa umano talaga siyang tulog at dadaanan rin sana ang driver niya sa susunod na barangay ngunit hindi na siya umabot doon.
Nagpapagaling na ngayon ang huwes sa Ospital.