Inihatid na kaninang ala-una ng hapon sa kanyang huling hantungan sa isang private cemetery sa bayan ng Odiongan, Romblon ang labi ni Dr. Jeter Sespeñe.
Hinatid ang labi ni Dr. Sespeñe ng pamilya nito kasama ang mga guro, staff, at mga estudyante ng Romblon State University.
ADVERTISEMENT
Si Dr. Sespeñe ay naging presidente ng Romblon State University bago ito maging presidente ng Palawan State University noon 2011.